Posts

  MALOLOS MAYOR AT INA NAG HERMANO MAYOR SA PISTA AKTIBO pa rin sa kanyang pananampalataya sa kabila ng abalang schedule ang Punong Lungsod ng Malolos na si Atty. Christian Natividad, patunay nito ay  ang kamakailan lamang na Hermanidad Dela Virgen Maria 2014, isang Marian activity na ginanap sa Malolos. Katuwang ng punong lungsod ang kanyang ina, si Mrs. Matilde D. Natividad at Julita R. Versoza. Kinapapalooban ng mga exhibits ng Mahal na Birheng maria ang nasabing aktibidad buhat sa ibat ibang bahagi ng lungsod at ng lalawigan. Matatandaang bukod sa hitik sa kasaysayan ang capitol town ng Bulacan ay hitik rin sa pagiging deboto ng mga katoliko ng mga mamamayan nito at kabila ng na ang kanilang mga lider pulitikal. Nabatid na panata ng alkalde ang pagdalo sa mga kapistahang katulad ng nabanggit at iba pang idinaraos sa kaniyang lungsod sa pagkat sa mga ito siya kumukuha ng lakas at tamang pagdedesisyon bilang lider at nang maayos niyang mapaglingkuran ang kanyang mga kababayan. U